Saturday, November 14, 2020

3C's

Choice (taong gustong maging malapit sa iyo dahil sa kabutihan kanyang ginawa na panghabang buhay na pakikipagkaibigan) 

-  LINDY CAIRO


Napili ko si Lindy Cairo ng maging malapit sa akin sapagkat palagi nya akong tinutulungan sa mga gawain. 'Yung kapag nagtatanong ako ng pa ulit-ulit dahil may hindi ako naiintindihan ay sinasagot nya parin. Minsan rin ay siya ang umuudyok sa amin upang gawin ang mga kailangan naming gawin. Itong aking babangitin ay medyo hindi magandang bagay ngunit kadalasan ay inuuna nya ang ibang tao bago ang kanyang sarili. Kapag sa tingin nya na ang tao ay nangangailangan ay tutulungan nya ito. Maswerte kaming mga magkakaiabigan sa kanya sapagkat ayaw at hindi niya hinahayaan na may maiwan sa amin (left behind). Minsan kahit sinasabi nyang pagod na siya ay alam ko na patuloy parin siyang magsisikap upang gawin ang mga bagay. Isa siya sa aking mga kaibigan na aking tinitingala. 




Chance (kung bibigyan ng pagkakataon, ang taong ito ay iyong maging kaibigan kahit sa maiksing panahon dahil sa kanyang ginagawa sa mga tao)

- JERICHO ROSALES






Napili ko si Jericho Rosales na maging kaibigan kahit sa maikling panahon sapagkat saludo ako sa kanyang ginawang pagtulong sa mga nasalanta ng bagyo sa kanilang lugar kasama ang kanyang asawa. Linusong nila ng kanyang asawa ang baha gamit ang kani-kanilang mga surfboard upang tulungan ang mga kababayan nilang na  stranded dahil sa baha. Noong din 2009 ay tumulong din siya sa mga kababayang nasalanta ng bagyo. Isang karangalan ang maging kaibigan ang taong mapagkumbaba. Kahit na umasenso na siya sa buhay ay hindi parin nya nakakalimutang lumingon sa kanyang pinanggalingan at tumutulong parin sa mga taong nangangailangan sa likod ng kamera. 




Change (taong gusto mong baguhin dahil sa masama niyang ugali o nagpabago sa iyong masamang ugali) 

- Clarence Suarez




Napili ko si Clarence, hindi ito masamang ugali ngunit gusto kong baguhin ang ugali niyang nahihiya at parang walang tiwala sa kanyang sarili. Sa tuwing may gagawin kami ay sa tingin nya agad ay di niya kaya. Pinangungunahan niya ang kanyang sarili. Sa tuwing nagsisikap siyang matutunan ganito ganyan ngunit sa huli ay kinakain siya ng pagkahiya niya at walang tiwala sa sarili. Alam namin na kaya niya ngunit nahihiya lang talaga siya at wala siya masyadong tiwala sa sarili niya. Gusto kong baguhin 'yon at gusto ko sa susunod hindi na siyang mahihiyang gawin ang mga bagay na kaya niya naman dahil marami pa ang kaya niyang gawin kung magtitiwala lang siya sa kanyang sarili.








 







No comments:

Post a Comment

 MAIN FUNCTIONS OF EDUCATION Learning, or the acquisition of knowledge, skills, values, morals, beliefs, habits, and personal development, i...