Monday, January 6, 2020

PASKO (PANAHON NANG PAGBIBIGAYAN)



    Isa sa mga pinaka nakakasabik na "holiday" ang pasko lalo na't nag papalitan ng regalo ang mga tao at dito rin naipapakita nang mga tao ang kanilang kabaitan (kindness) sa pamamagitan nang pagtulong sa kapwa, o pagbibigayan nang regalo sa mga taong hindi masyadong angat sa buhay o hirap sa buhay kaya't silay tumutulong upang maranasan rin nang mga taong hirap sa buhay ang pakiramdam nang masayang pasko. Ito rin ang "holiday" kung saan nagiging sabik ang mga pamilya dahil ito rin ang oras upang magkaisa.                                 
  Ang pasko ay ang panahon nang pagbibigayan. Nakasayanan na natin na tuwing pasko, tayo ay nagibibigay nang regalo o di kaya'y nakakatanggap nang regalo. Ngunit hindi lahat nang tao ay nakakapagbigy o nakakatanggap, merong mga tao na hirap sa buhay at umaasa lamang na may mag bibigay sa kanila o may mag magandang loob na bigyan sila nang kahit pang noche buena para sa pasko.               





Kamakailan lang ay napagdesisyon kong magbigay nang regalo para sa isang manggagawa sa aming skwelahan, na si kuya Roldan. Pumunta ako sa pinakamalapit na pamilihin, at ibinili si kuya Roldan nang kahit konti man lang na pang noche buena. Masaya na ako na nagawa ko ito at may maganda ring napuntahan ang aking pera sa totoo lang hindi naman talaga ako nag iipon. Masaya na ako dahil ako ay nakatulong sa kapwa. Ang pasko talaga ay ang panahon nang pagmamahalan ang pagbibigayan.

No comments:

Post a Comment

 MAIN FUNCTIONS OF EDUCATION Learning, or the acquisition of knowledge, skills, values, morals, beliefs, habits, and personal development, i...