Diskriminasyon ay isa sa mga problema na kinakaharap at nararanasan nang maraming tao san mang panig sa mundo. Maraming tao ang nadidiskrimina dahil sa kulay ng balat, itsura, edad, lahi at kasarian at araw-araw mas lumalala ang pangdidiskrimina ng mga tao. Araw-araw mas dumarami ang nangdidiskrimina at nadidiskrimina. Kaya’t paano nga ba natin mapapatigil ito o kahit maiiwasan man lang?
Kung gusto nating matigil ang pangdidiskrimina ng ibang tao dapat simulan natin sa ating sarili. Huwag tayong mangdiskrimina. Iwasan natin ang panunukso dahil hindi natin alam kung anong pinagdaadaanan o mararamdaman ng taong iyon. Iwasan nating iparamdam sa tao na iba sila sa atin. Hikayatin ang ibang tao na itigil ang pangdidiskrimina sapagkat walang mabuting naidudulot ito. Huwag tayong manghusga sa iba.
Medyo mahirap na patigilin ang diskriminasyon ngayon dahil hanggat merong nang-aapi at nagpapa-api magkakaroon at magkakaroon parin ng diskriminasyon. Ngunit kung unti-unti nating iiwasan ang mga bagay na magpapatuloy sa diskrimasyon magagawa nating patigilin ito. Hindi man ngayon ngunit balang araw.
No comments:
Post a Comment