Wednesday, January 13, 2021

TUNAY NA HALAGA NG BUHAY

               Bilang isang tao, ang pinakamahalagang bagay siguro na meron tayo ay ang pagkakaroon ng BUHAY. Madalas nating naririnig ang kasabihang "pahalagahan ang buhay dahil nag-iisa lamang ito. Ngunit ano nga ba ang tunay na halaga ng buhay?


               Bilang isang Kristiyano naniniwala tayo na ang buhay natin ay hiram lamang mula sa ating Panginoon. Ayon sa bibliya, nilikha ng Diyos ang tao upang maging tagapangalaga sa kanyang mga likha. Kaya maaring ang kahalagahan ng buhay ay magiging tagapangalaga sa mundong ibabaw na Kanya ring likha. Nabubuhay tayo para sa ating mga mahal sa buhay, para sa mga taong nangangailangan sa atin, maaring sa kapwa tao, sa hayop, o sa lahat ng kanyang likha kabilang na ang ating kalikasan.


               Kaya maaring gasgas na linya na ang "pahalagahan ang buhay" bagamat ito ay ating dapat sundin dahil hindi lingid sa atin na ang buhay ay iisa nga lamang, at hindi ito dapat sayangin. Sa halip ito ay ating tatamasahin, sabi nga kasabihang Ingles, "You Only Live Once, better enjoy it." 


No comments:

Post a Comment

 MAIN FUNCTIONS OF EDUCATION Learning, or the acquisition of knowledge, skills, values, morals, beliefs, habits, and personal development, i...