"Ating kalayaang tinatamasa ay pangalagaan dahil ito'y simbolo ng kabayanihan"
Dr. Jose Rizal, Andres Bonifacio, Lapu-Lapu, sila ang iilan sa mga bayaning tumulong upang makamit natin ang ating kalayaan. Kung hindi dahil sa kanilang mga kabayanihang ginawa ay hindi natin makakamit ang kalayaan ngayon. Ating kalayaan ay ating pangalagaan sapagkat ito ay simbolo ng kabayanihan.
Ang ating mga bayani ay nakipaglaban upang makamit ang ating kalayaan. Sila ay nagtiyaga at tiniis ang lahat ang lahat ng paghihirap upang makamit natin ang kung nasa atin ngayon, ang kalayaan. Nang dahil sa kanilang pagsisikap tayo ay nakalaya sa mga pagsasakop ng mga Espanyol at mga Amerikano. Ngayon ay tuwing Hunyo 12, ipinagdiriwang natin ang ating kalayaan. Sa araw na ito ay nakamit natin ang ang inaasam-asam nating kalayaan.
Bilang isang mamamayang malaya, dapat nating pahalagahan ang kalayaan sapagkat hindi madali ang mga pinagdaanan ng ating mga bayani upang makamit natin ang kalayaan. Ito ay ating alagaan dahil ito ang nagbibigay kasiyahan, kahulugan, at pag-asa sa buhay natin. Ang pagiging malaya ay isang magandang pakiramdam kaya't pahalagahan at ingatan natin ito.
No comments:
Post a Comment