\March 31, 2021
Liham para sa mga politiko,
Habang tumatagal, paparami nang paparami ang mga kaso nang mga taong tinatanggalan at binabaliwala ang karapatan. Araw-araw may inaabuso ngunit hindi nabibigyang tulong. Araw-araw may mga taong humihingi nang tulong ngunit nababaliwala lamang. Sa gobyerno, sana ito’y iyong bigyang pansin. Sana tratuhin nyo nang tama at patas ang mga tao. Sana bigyan nyo nang hustisya ang mga tao. Sana isipin nyo rin ang kalagayan at kabutihan ng inyong mga mamamayan. Huwag nyo po sana tapak tapakan ang mga karapatan ng mga tao. Sana gawin nyo ang inyong tungkulin. Lagyan ng ngipin ang batas.
Lubos na gumagalang,
mamamayan