Marami nang mga kinakaharap na problema ang ating bansa ngayon. Isa na rito ang pandemya, mga kalamadidad at iba pa. Ngunit isa sa mga problema na dapat natinf pagtuonan ng pansin ay ang problema sa droga.
Marami sa mga kabataan ngayon ay sa murang edad pa lamang ay nalululong na sa pagbibisyo tulad ng paninigarilyo at paggamit ng drogas. Maraming rason kung bakit nalululong sa drogas ang mga kabataan. Isa sa mga rason kung bakit ito nangayayari ay dahil naiimpluwensyahan sila ng mga taong nakapaligid sa kanila. Mga kaibigan o di kaya’y mga taong akala nila magandang ehemplo sa kanila ngunit masamang impluwensya pala. Ang rason naman ng iba ay dahil sa kahirapan. Dahil sa kahirapan ng buhay ay natututo silang magbisyo at gumamit ng drogas upang makalimutan ang kanilang mga problema. Iba naman ay hinikayat na gumamit nito. Sa una’y tatanggi pa sila ngunit kalauna’y masasanay rin at tuluyan na ngang malululong. Pagkatapos malulong ay tuluyan na ring mawawalan ng landas.
Kung ito’y mangyayari malaki ang magiging epekto nito sa buhay ng isang tao. May mga oportunidad na masasayang, mga pagkakataon na mawawala at higit sa lahat ang pagsisi.
Kaya’t huwag na nating hayaan na mangyari pa ulit ang mga ito. Tayong mga kabataan, maging maingat tayo sa ating mga kilos. Isiping mabuti kung ang iyong gagawin ay makakabuti ba o makakasama sayo. Nasa huli ang pagsisi kaya’t ‘wag na nating hayaang maging huli na ang lahat at masira ang ating buhay.